Ano-ano ang mga Pinsala Dulot ng Pressure?
Ang mga pinsala dulot ng pressure (mga ulser dulot ng pressure, mga sugat dulot ng pressure, o sugat dulot ng pressure ng higaan) ay nangyayari kapag pinuputol ng pressure sa iyong balat ang supply ng dugo. Karaniwang nangyayari ito sa mga lugar kung saan ang iyong mga buto ay mas malapit sa balat (nakalitaw ang buto). Ginagawa nitong masira ang iyong balat at ang tisyu sa ilalim ng iyong balat. Kadalasang nangyayari ang mga pinsala dulot ng pressure kung humihiga o umuupo ka sa isang posisyon nang napakatagal. Maaaring maging napakasakit ng mga ito at mabagal maghilom. Ngunit maaari kang gumawa ng maraming bagay upang makatulong na ihinto ang mga pinsala dulot ng pressure.
Sino ang nanganganib
Sinuman na hindi makagalaw sa paligid nang mag-isa ay nanganganib sa mga pinsala dulot ng pressure. Ang pinakamalalaking dahilan ng panganib ay:
Kabilang sa ibang mga dahilan ng panganib ang:
-
Iritasyon sa balat dahil sa kawalang kontrol sa pag-ihi o pagdumi
-
Di-tamang nutrisyon
-
Sakit ng mga daluyan ng dugo
-
Pagkawala ng pakiramdam sa balat
-
Paninigarilyo
-
Diabetes
-
Mas matanda sa 65 taong gulang
-
Lokal na impeksiyon
-
Dementia
Ang iyong tungkulin
Tungkulin mo na iwasang mabuo ang mga pinsala na dulot ng pressure. Nangangahulugan iyon na kailangan mo na:
-
Madalas na magbago ng mga posisyon.
-
Limitahan ang oras na ginugugol mo sa pag-upo sa isang puwesto.
-
Tumayo at gumalaw sa paligid o maglakad hangga't maaari.
-
Suportahan ang iyong katawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga kutson o unan.
-
Huwag kumiskis o magpadulas kapag gumagalaw ka sa kama o sa isang upuan.
-
Panatilihing malinis at tuyo ang iyong balat.
-
Magsuot ng damit na kasya. Huwag magsuot ng maluwag na damit at bumubukol sa iyo o labis na masikip.
-
Kumain ng masustansyang pagkain at gumalaw-galaw nang sapat.
-
Suriin ang iyong balat dalawang beses isang araw para sa mga palatandaan ng sugat.
-
Pamahalaan ang iyong diabetes at iba pang kondisyon ng kalusugan na ginagawang mas malamang na magkaroon ka ng pinsala dahil sa presyon.
Kung saan nangyayari ang mga sugat dulot ng pressure
Nabubuo ang mga sugat dulot ng pressure kung saan idinidiin ng buto ang iyong balat sa higaan o upuan. Pinakamalamang na mangyari ito sa mga lugar kung saan walang gaanong sapin sa pagitan ng balat at buto. Kabilang dito ang iyong ulo at mga paa, at sa palibot ng mga kasukasuan tulad ng iyong balikat, balakang, at tuhod.
 |
Nakaupo |
 |
Sa gilid |
 |
Sa likod |
Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Tawagan ang tagapangalaga ng iyong kalusugan kapag una mong nakita ang alinman sa mga sumusunod:
-
Pamumula na hindi nawawala pagkatapos na maaalis ang pinagmumulan ng pressure
-
May bitak, nagpaltos, o nasugatan na balat
-
Masakit o mainit kapag sinalat ang mapula at makintab na balat, o iyong parang espongha o matigas kapag sinalat
-
Balat na nawalan ng pakiramdam (pandama)
-
Maitim na bahagi ng balat
-
Anumang sugat na tumatagas o may masamang amoy
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.