Ganglion Cyst: Sa paa
Ang ganglion cyst ay isang pamamaga ng lining ng kasukasuan o litid na puno ng likido. Maaaring mabuo ang mga ganglion sa anumang bahagi ng paa. Ngunit kadalasang lumilitaw ang mga ito sa bukung-bukong o ibabaw ng paa. May posibilidad na magbago ang laki ng mga ito. Maaaring mawala ang mga ito at bumalik kinalaunan.

Mga sanhi
Maaaring mapahina ang lining ng kasukasuan o litid ng paulit-ulit na iritasyon. Maaari itong humantong sa mga ganglion. Ang mga pagtubo ng buto (bone spurs) at arthritis ay maaari ding maging sanhi ng mga ito sa pamamagitan ng iritasyon sa mga kasukasuan at litid. Maaari din itong mangyari pagkatapos ng pinsala sa paa.
Mga sintomas
Ang mga ganglion cyst ay kadalasang nabubuo nang walang sintomas. Kung mamaga ang mga ganglion, maaaring magdulot ng presyon ang mga ito sa mga ugat at sa nakapatong na balat. Maaaring magdulot ito ng pangingilig, pamamanhid, o pananakit. Maaaring magbago ang laki ng mga ito sa iba't ibang aktibidad o pagbabago ng panahon.
Paano nada-diagnose ang mga ito?
Kung minsan, napagkakamalang mga bukol ang mga ganglion cyst. Kaya mahalagang magkaroon ng kumpletong pagsusuri. Maaaring isagawa ang mga pagsusuri para kumpirmahin ang diagnosis.
Kasaysayan ng kalusugan
Tatanungin ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Kabilang dito ang kung gaano katagal ka nang nagkaroon ng ganglion. At kung anong uri ng mga sintomas ang nararamdaman mo. Maaari niyang itanong kung nagbago ang laki nito o kung nag-iiba-iba ang laki nito batay sa iyong mga aktibidad.
Pagsusuri ng katawan
Maaaring magsagawa ng pagsusuring transillumination ang iyong tagapangalaga ng kalusugan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapasikat ng liwanag sa namamagang bahagi. Madalas kang makakaaninag ang ganglion. Ngunit hindi sa isang bukol. Kapag pinisil ang iyong paa (sinalat), pakiramdam na parang espongha ang ganglion at gumagalaw ang likido sa magkabilang gilid.
Mga pagsusuri
Kung pinaghihinalaan ang bone spur o arthritis, maaaring kailanganin ang mga X-ray. Maaaring isagawa ang pagtatanggal ng likido (pagkuha ng likido gamit ang hiringgilya). Tumutulong din ito na mabawasan ang pananakit. Para kumpirmahin ang ganglion, maaaring isagawa ang MRI scan. Ipinapakita nito ang mga detalyadong larawan ng malambot na tisyu at buto. Kung minsan, maaaring iturok ang espesyal na dye sa bahagi para ipakita ang balangkas.
Paano ginagamot ang mga ganglion?
Maaaring mahirap gamutin ang mga ganglion cyst nang walang operasyon. Ngunit maaaring makatulong ang mga pamamaraang hindi nangangailangan ng operasyon sa pagpawi ng ilan sa iyong mga sintomas.
Pangangalagang hindi nangangailangan ng operasyon
-
Pinapawi ng inilagay na mga pad sa paligid ng ganglion ang presyon at pagkiskis.
-
Maaari ding maibsan ang mga sintomas ng pag-aalis ng likido. Ginagawa ito gamit ang isang karayom. Maaaring magturok ng isang steroid nang kasabay. Ngunit maaaring bumalik ang mga ganglion.
-
Maaaring magpaginhawa ang paglimita ng mga paggalaw o aktibidad na nagdaragdag ng pananakit.
-
Maaaring maibsan ang pamamaga at pananakit ng paglalagay ng yelo sa ganglion sa loob ng 15 hanggang 20 minuto sa maikling panahon.
-
Kung hindi maganda ang pamamaga, maaaring gamutin ng iyong tagapangalaga ang iyong mga sintomas sa pamamagitan ng gamot.
Paggamot na operasyon
Maaaring kailanganin ang operasyon kung nagdudulot ng patuloy o matinding pananakit ang ganglion. Tinatanggal ang buong dingding ng ganglion sa panahon ng pamamaraan. Maaari ding alisin ang ilang kalapit na tisyu.
Pagkatapos ng operasyon
Maaari kang makaramdam ng pananakit, pamamaga, pamamanhid, o pangingilig sa loob ng ilang linggo pagkatapos ng operasyon. Dapat makalakad ka na kaagad pagkatapos. Ngunit maaaring ibalot ang iyong paa o lagyan ng molde, bota, o matigas na sapatos. Magpatingin sa iyong tagapangalaga kung may mapansin kang anumang problema sa hinaharap. Madalas na matagumpay ang operasyon. Ngunit may tsansa na bumalik ang ganglion.