Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Labis na katabaan at ang mga Epekto nito sa Kalusugan

Isang malubhang problema sa kalusugan ang labis na katabaan sa U.S at sa lahat ng panig ng mundo. Nakakaapekto ito sa halos 2 sa 5 adulto sa U.S.

Ano ang labis na katabaan?

Ang labis na katabaan ay terminong ginagamit para ilarawan ang bigat ng katawan na mas mataas kaysa sa normal na timbang para sa espesipikong taas. Sinusukat ang labis na katabaan sa pamamagitan ng BMI (body mass index o indese ng masa ng katawan). Ang BMI ay pormula na gumagamit sukat ng timbang na hinati sa sukat ng taas ng isang tao. Posibleng gamitin ang BMI para sukatin ang mga problema sa timbang pero mahalagang malaman na hindi dina-diagnose ng BMI ang mga problema sa kalusugan o ng taba sa katawan ng isang tao. Ang mataas na bilang ng BMI ay puwedeng mangahulugang mataas ang taba sa katawan. Normal ang BMI na nasa pagitan ng 18.5 at 25. Nasa sobra na ang bigat kapag ang BMI ay nasa pagitan ng 25 at 30. Nasa labis na katabaan ang BMI na 30 o pataas. Maituturing na sobra-sobra o malalang labis na katabaan ang BMI na 40 o pataas.

Bakit isang problema ang labis na katabaan?

Puwedeng magpataas ng iyong mga panganib na magkaroon ng iba't ibang malulubhang problema sa kalusugan ang pagdadala ng sobrang bigat. Kabilang sa mga ito ang mga problema sa iyong puso, mga baga, ugat, utak, at mga kasu-kasuan. Kasama sa ilang problema na puwedeng mangyari ang:

  • Mga problema sa serkulasyon ng dugo at puso. Kabilang sa mga ito ang sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, mga problema sa ritmo ng puso (atrial fibrillation), at stroke.

  • Type 2 diyabetes

  • Partikular na mga kanser, tulad ng kanser sa bituka at sa suso

  • Matinding pagkaantok (sleep apnea) at iba pang mga problema sa paghinga.

  • Mga problema sa likod at kasu-kasuan, tulad ng osteoarthritis at gout

  • Mga problema sa daanan ng pagkain tulad ng bato sa apdo (gallstones) at GERD (sakit sa gastroesophageal reflux)

  • Depresyon (na may kasamang malalang labis na katabaan)

Puwede ring makaapekto sa iyong kalidad ng buhay ang sobrang bigat ng katawan. Makakahadlang ito sa iyo na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin o kailangang gawin.

Paano mo mapapababa ang iyong panganib na magkaroon ng mga problema?

Ang susi sa pagpapababa ng iyong panganib na magkaroon ng mga problema sa kalusugan mula sa labis na katabaan ay ang kontrolin ang iyong timbang. Kung sobra o labis ang iyong katabaan, ang unang hakbang ay magbawas ng timbang. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang pagbabawas ng kahit 5% man lang ng iyong bigat ng katawan ay makakabuti sa iyong kalusugan.

Ang mahalagang bahagi ng pagbabawas ng timbang ay nagsasangkot ng pagtatatag ng mga kinagawiang pangkalusugan at mga paggawi. Narito ang ilang payo:

  • Kontrolin kung gaano karami ang iyong kakainin. Pagkain ang paraan ng iyong katawan sa pagkuha ng enerhiya (mga kalori). Tataas ang timbang mo kung kakain ka ng mas maraming kalori kaysa sa magagamit ng katawan. Alamin ang nakasanayan mo sa pagkain at panatilihing makatwiran ang dami ng iyong pagkain.

  • Pumili ng masustansyang pagkain. Pumili ng mga masusustansyang pagkain na magbibigay sa iyong katawan ng lakas na kailangan nang hindi nakapagdadagdag ng ektrang timbang. Limitahan din ang mga pagkain na may dagdag na asukal at mga taba.

  • Maging mas aktibo. Nasusunog ang mga kalori ng pag-eehersisyo. Matutulungan ka nito na pamahalaan ang iyong timbang. Dagdagan ang iyong mga pagkilos araw-araw. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng paglalakad araw-araw, dagdagan ang aerobic na gawain. Isaalang-alang ang pagsasama ng pagsasanay ng lakas.

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalasugan. Magtanong kung paano makikipagtulungan sa dietitian, health coach, exercise physiologist, o tagapangalaga sa kalusugan ng isipan. Susuportahan at hihikayatin ka nila.

Babaeng naglalakad sa labas.
Makatutulong din sa iyo ang pag-eehersisyo araw-araw sa pagkontrol ng iyong timbang.

Puwedeng imungkahi ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang mga gamot na makakatulong sa iyo kung nahihirapan kang magbawas ng timbang. Puwede ring opsyon ang operasyon para bawasan ang timbang (bariatric) para sa mga adulto na mayroong:

  • BMI na 40 o higit pa, o may sobrang mahigit 100 pound na timbang

  • BMI na 35 hanggang sa mas mababa sa 40 at may seryosong problema sa kalusugan, tulad ng type 2 diabetes, mataas na presyon ng dugo, o sleep apnea.

  • Hindi mapanatili ang malusog na timbang sa isang yugto ng panahon. Sa kabila ito ng mga pagsisikap na magbawas ng timbang sa pamamagitan ng diyeta, ehersisyo, o mga gamot.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer