Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

COVID-19 at ang Trangkaso: Ano ang Pagkakaiba?

Nangyayari ang panahon ng trangkaso taon-taon sa U.S. tuwing taglagas at taglamig. May katulad na mga sintomas ang COVID-19. Paano mo malalaman kung ang isang tao ay may trangkaso o COVID-19? Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang sakit na ito? Puwede ka bang magkaroon nito nang magkasabay? Tingnan kung paano sila ikukumpara sa iba.

Puwede ka bang magkatrangkaso at COVID-19 nang sabay?

Oo, sinasabi ng mga eksperto sa medikal na puwede kang magkaroon ng dalawang impeksiyon nang sabay.

Tingnan ang pagkakaiba

Mga aspekto ng sakit

Flu (trangkaso)

COVID-19

Mga sanhi

Iba't ibang uri (mga strain) ng mga virus ng trangkaso na kumakalat bawat taon. Ang panahon ng trangkao ay kadalasang taglagas at taglamig.

Isang uri ng coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2. Kumalat na ang iba't ibang strain ng SARS-CoV-2 simula pa nang mag-umpisa ang pandemya noong 2019. Hindi pana-panahon ang mga ito.

Paano ito kumakalat

Naikakalat ito mula sa isang tao tungo sa isa pang tao sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahin, pagsasalita, o paghawak sa bagay na may virus at pagkatapos ay ihahawak sa iyong mga mata, ilong, o bibig.

Naikakalat ito mula sa isang tao tungo sa isa pang tao sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahin, pagsasalita, o paghawak sa bagay na may virus at pagkatapos ay ihahawak sa iyong mga mata, ilong, o bibig. Mas mabilis na kumakalat ang ilang strain kaysa sa trangkaso pero hindi kasing-dali ng tigdas.

Pag-iwas

Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay, manatili sa bahay kung masama ang pakiramdam mo, limitahan ang pakikipag-ugnay sa ibang tao, at umiwas sa mga taong may sakit.

Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay, manatili sa bahay kung masama ang pakiramdam mo, limitahan ang pakikipag-ugnay sa ibang tao, at umiwas sa mga taong may sakit. Kung may sakit ka (hindi alintana kung ganap ka mang nabakunahan laban sa COVID-19 o hindi), magsuot ng face mask kapag nasa paligid ng iba pang tao. Sundin ang lahat ng pag-iingat na pangkaligtasan para iyong lugar. Sundin ang pinakabagong patnubay ng CDC tungkol sa kung kailan ka lalabas ng bahay nang walang mask. Bahagi din ng pag-iingat ang mga bakuna.

Bakuna

Iba't ibang uri ng bakuna sa trangkaso ang nagiging available bawat taon. Ang pagkuha ng bakuna ay makakatulong maiwasan o mabawasan ang mga sintomas ng trangkaso. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pros at cons ng mga uri ng biopsy na pinakamabuti para sa iyo. Kung ikaw ay may sakit dulot ng anumang impeksyon, magpabakuna para sa trangkaso pagkatapos na pagkatapos mong gumaling.

Ipinapayo ang mga bakuna laban sa COVID-19 para sa lahat na may edad 6 na buwan at mas matanda, kasama ang mga buntis o nagpapasuso.

Inirerekomenda ng CDC ang na-update na mga bakuna laban sa COVID-19 (Pfizer-BioNTech, Moderna, o Novavax) para mangalaga laban sa malubhang sakit dulot ng COVID-19.

Madalas nagbabago ang gabay na ito, kaya subaybayan ang mga pinakabagong update sa website ng CDC o makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Mga sintomas

Puwede maging banayad hanggang malubha ang mga ito at puwedeng may kasamang:

  • Lagnat

  • Ginaw

  • Mga pananakit ng kalamnan

  • Ubo

  • Pamamaga ng lalamunan

  • Baradong ilong o tumutulong sipon

  • Pananakit ng ulo

  • Pagkapagod

  • Ang pagsusuka at pagtatae ay karaniwan sa mga bata

Ang ilang tao ay walang sintomas. Sa ibang tao, puwedeng maging banayad hanggang malubha ang mga ito at puwedeng may kasamang:

  • Lagnat

  • Ginaw

  • Mga pananakit ng kalamnan

  • Ubo

  • Pamamaga ng lalamunan

  • Baradong ilong o tumutulong sipon

  • Pananakit ng ulo

  • Pagkapagod

  • Pakiramdam ng pangangapos ng hininga

  • Bagong pagkawala ng panlasa o pang-amoy

  • Pagduduwal

  • Pagsusuka

  • Pagtatae

Iba pang mga sintomas

Karaniwang 1 hanggang 4 araw pagkatapos ng impeksiyon

Karaniwang 2 hanggang 5 araw pagkatapos ng impeksiyon, pero maaaring magsimula 2 hanggang 10 araw pagkatapos ng impeksiyon

Gaano katagal na nakakahawa ang isang tao

Puwedeng makapagkalat ng trangkaso ang isang tao nang hindi bababa sa 1 araw bago magsimula ang mga sintomas. Mas nakakahawa ang mga mas malalaking bata at mga adulto sa unang 3 hanggang 4 na araw ng mga sintomas. Puwede nilang maikalat ang virus ng hanggang 7 araw pagkaraang magsimula ang mga sintomas. Puwedeng mas matagal na nakakahawa ang mga sanggol at mga taong may mahinang immune system.

Pinag-aaralan pa rin kung gaano katagal na maaaring makahawa ang isang tao ng virus na nagdudulot ng COVID-19. Karaniwan, maaaring magsimulang makahawa ng virus ang isang tao humigit-kumulang sa 2 hanggang 3 araw bago magsimula ang mga sintomas. Ngunit pinakanakakahawa sila 1 araw bago magsimula ang mga sintomas. Maaaring manatiling nakahahawa ng virus ang karamihang tao sa loob ng 8 pang araw pagkatapos magsimula ang mga sintomas.

Pagsusuri

Mayroong iba't ibang uri ng mga mabilis na pagsusuri sa trangkaso. Ginagawa ang mga pagsusuri sa pamamagitan ng pagpahid ng swab sa loob ng iyong ilong o lalamunan. Puwedeng malaman ang resulta sa loob ng 10 minuto hanggang ilang oras. May ginagawa nang pansuri na ginagamitan ng laway.

Maaaring magamit ang iisang pagsusuri para sa parehong trangkaso at SARS-CoV-2. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan upang malaman ang higit pa.

Napakahalaga ng pagsusuri upang tumulong na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Mayroong iba't ibang uri ng mga pansuri para sa COVID-19. Ilang pagsusuri para sa kasalukuyang (aktibong) impeksiyon. Tinatawag itong viral test. Sinusuri ng iba pang test ang dating impeksiyon sa COVID-19. Tinatawag itong antibody test. Ginagawa ang huli ng isang tagapangalaga ng kalusugan o laboratoryo.

Magagamit ang mabibilis na pagsusuri sa virus, kasama ang mga self test kit, upang suriin ang isang aktibong impeksiyon.

Paggamot

Maaaring gamutin ang trangkaso gamit ang antiviral na gamot. Makatutulong ito na mabawasan ang mga sintomas. Puwede rin nitong paikliin ang haba ng panahon ng iyong pagkakasakit. Pero dapat itong gawin mas maaga hangga't posible. Hindi ginagamit ang mga antibayotiko dahil hindi ito umiepekto sa virus ng trangkaso. Pero maaaring gamitin ang mga antibayotiko para pigilan o gamutin ang impeksiyon ng bakterya na puwedeng mangyari kung minsan pagkatapos magkaroon ng trangkaso. Kabilang sa iba pang paggagamot para sa trangkaso ang pangangalaga para pahupain ang mga sintomas. Kabilang dito ang pahinga, pag-inom ng maraming likido, at gamot sa kirot at lagnat kung kinakailangan. Sa malalalang kaso, maaaring kailanganin mo ng panahon sa ospital para gamutin ang kumplikasyon na dulot ng trangkaso.

Kasama sa paggamot para sa COVID-19 ang pangangalaga para pahupain ang mga sintomas. Kabilang dito ang pahinga, pag-inom ng maraming likido, at gamot sa kirot at lagnat kung kinakailangan. Para sa banayad na sakit, maaaring kailanganin mo ang mga gamot na laban sa virus, steroid, o antibody therapy. Sa malalalang kaso, maaaring kailanganin mo ng panahon sa ospital para sa pantulong na oxygen, IV fluid, at iba pang pangangalaga.

Available ang mga paggamot para sa mga taong lubhang nanganganib sa pagkakaroon ng malubhang COVID-19 at pagkakaospital. Dapat simulan ang mga paggamot sa loob ng ilang araw matapos kang magkaroon ng mga sintomas, kaya huwag iantala ang pagtawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Hindi ginagamit ang mga antibayotiko dahil hindi ito gumagana sa virus na nagdudulot ng COVID-19. Pero maaaring gamitin ang mga antibayotiko para gamutin ang impeksiyon na dulot ng bakterya na maaaring mangyari pagkaraang magkaroon ng COVID-19.

Mga posibleng komplikasyon

Kabilang dito ang:

  • Mga impeksiyon ng bakterya

  • Impeksiyon sa tainga

  • Pamamaga ng mga himaymay ng kalamnan (myositis o rhabdomyolysis)

  • Pamamaga ng utak (encephalitis)

  • Pamamaga ng puso (myocarditis)

  • Pagpalya ng iba't ibang organ

  • Pulmonya

  • Sepsis

  • Impeksiyon sa sinus

  • Paglala ng chronic na mga kondisyon ng mga baga, puso, at nervous system

  • Paglubha ng diabetes

Kabilang dito ang:

  • Acute Respiratory Distress Syndrome (ARDS)

  • Pulmonya sanhi ng bakterya

  • Atake sa puso

  • Pamamaga ng mga himaymay ng kalamnan (myositis o rhabdomyolysis)

  • Pamamaga ng utak (encephalitis)

  • Pamamaga ng puso (myocarditis)

  • Pagpalya ng iba't ibang organ

  • Pagpalya ng baga

  • Sepsis

  • Stroke

  • Paglala ng chronic na mga kondisyon ng mga baga, puso, at nervous system

  • Multisystem inflammatory syndrome sa mga bata (MIS-C), isang bihirang kumplikasyon na nagdudulot ng pamamaga ng mga daluyan ng dugo at mga organ. May naiulat ding multisystem inflammatory syndrome sa mga adulto (MIS-A) ngunit bihira.

Maaaring kasama ang maraming mahabang komplikasyon ng COVID:

  • Mga nagpapatuloy na problema sa panlasa o pang-amoy

  • Mga problema sa memorya at konsentrasyon, tinatawag ding "brain fog"

  • Pagkapagod pagkatapos ng ehersisyo

  • Pagkalula

Kung bakit mahalaga ngayon na makakuha ng dalawang bakunang ito

Mahalaga na makakuha ng bakuna sa trangkaso at COVID-19. Pinabababa ng mga ito ang iyong panganib ng malubhang pagkakasakit o pagkamatay dahil sa trangkaso COVID-19. Tumutulong ang parehong bakuna na protektahan ka at ang ibang tao mula sa malulubhang impeksiyon na maaaring humantong sa pamamalagi sa ospital.

Petsa nang huling binago: 8/27/2024

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer