Sapat na mataas ang presyon ng iyong dugo ngayon upang simulan ang paggagamot gamit ang mga gamot. Hindi alam ang dahilan ng hypertension sa karamihan ng mga kaso, ngunit maaarin makontrol sa pamamagitan ng pagbabago ng uri ng pamumuhay at/o mga gamot. Maaaring magsanhi ang hypertension ng pananakit ng ulo, pagkahilo, nanlalabong paningin, dumadaluhong na tunog sa mga tainga, pananakit ng dibdib o kakapusan ng hininga. Kung minsan ay walang kahit anong mga sintomas. Gayunpaman, pinapataas ng hindi ginamot na hypertension ang panganib ng atake sa puso at stroke. Seryosong panganib sa kalusugan ito at hindi dapat bale-walain.
Ang isang normal na presyon ng dugo ay 120/80 o mas mababa. "Systolic" pressure ang una (itaas) na numero. "Diasstolic" pressure ang ikalawang (ibabang) numero. Umiiral ang hypertension kapag ang alinman sa itaas na numero ay 140 o higit, O ang ibabang numero ay 90 o higit sa paulit-ulit na pagsukat.
Dapat na gawin ng lahat ng pasyente na may hypertension ang sumusunod upang mapababa ang presyon. Kung naggagamot ka, maaaring mabawasan o maalis ang iyong pangangailangan para sa gamot sa hinaharap kung ganoon ng mga sumusunod na paraan.
-
Simulan ang programa sa pagpapababa ng timbang kung labis ang iyong timbang.
-
Bawasan ang paggamit ng asin.
-
Iwasan ang mataas sa asin na mga pagkain (olives, pickles, tapang karne, salted potato chips, atbp.).
-
Huwag magdagdag ng asin sa iyong pagkain na nakahain.
-
Gumamit lamang ng kaunting asin kapag nagluluto.
-
Magpasimula ng isang programa ng ehersisyo. Ipakipag-usap sa iyong doktor kung anong uri ng programa sa ehersisyo ang pinakamainam para sa iyo. Hindi kinakailangang maging mahirap ito. Kahit ang mabilis na paglalakad ng 20 minuto tatlong beses sa isang linggo ay isang mainam na anyo ng ehersisyo.
-
Iwasan ang mga gamot na naglalaman ng mga stimulant sa puso. Kabilang dito ang maraming pills sa sipon at baradong sinus at mga spray gayun na rin ng mga pilss sa pagdi-diyeta. Suriin ang mga babala tungkol sa hypertension sa etiketa. Maaaring makamatay ang mga stimulant gaya ng amphetamine at cocaine para sa isang may hypertension. Huwag gamitin ang mga ito.
-
Bawasan ang iyong pag-inom ng caffeine o lumipat sa mga produktong walang caffeine.
-
Tumigil sa paninigarilyo. Kung matagal ka nang naninigarilyo, maaaring mahirap ito. Magpatala sa isang programa ng paghinto sa paninigarilyo upang mapataas ang iyong tsansa ng tagumpay. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga bagay na magpapataas sa iyong tsansa ng tagumpay.
-
Mahalagang bahagi ng anumang program upang ibaba ang presyon ng dugo ang pag-aaral kung papaano pangasiwaan ang stress nang mas mahusay. Matuto tungkol sa mga paraan ng pagre-relax gaya ng meditation, yoga o biofeedback.
-
Kung ipinayo ang mga gamot, gamitin ang mga ito gaya ng ipinag-uutos. Ang pagkalimot sa mga dosis ay maaaring magsanhi na mawala sa kontrol ang iyong presyon ng dugo.
-
Pag-isipang bumili ng isang automatic blood pressure machine (available sa karamihan ng mga pharmacy). Gamitin ito upang subaybayan ang iyong presyon ng dugo at iulat sa iyong doktor.