Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagpalya ng Puso at Depresyon

Ang pagpalya ng puso ay isang patuluyang (chronic) na problemang pangkalusugan. Ang pagpalya ng puso ay hindi nangangahulugang tumitigil sa pagtatrabaho ang puso mo. Ibig sabihin nito, hindi nagbobomba ang puso ng naaayon sa dapat nitong pagbomba. Magiging dahilan ito ng problema sa maraming bahagi ng katawan. Ang ilang tao ay mayroong higit sa isang problema sa iisang pagkakataon. Kung nasuri kang may pagpalya ng puso, malamang may depresyon ka rin.

Kung halos araw-araw kang nalulungkot o nagkakaproblema sa gana sa pagkain o sa pagtulog, malamang may depresyon ka. Isang totoo at seryosong karamdaman ang depresyon na gaya ng pagpalya ng puso. Ginagawa ka nitong malungkot at walang kakayahan. Makapagdudulot ito ng mga problema sa iyong buhay at sa mga pakikipag-ugnayan. Makakahadlang ito sa iyong kakayahang mag-isip at kumilos. Makakatulong ang paggagamot na bumuti ang ganitong mga sintomas. Kapag nakokontrol ang depresyon, ang pangkalahatang kalusugan mo ay malamang na bumuti rin.

Nakikipag-usap ang isang babae sa isang therapist.

Paanong ang pagpalya ng puso ay magpapataas sa iyong panganib na magkaroon ng depresyon?

Ang isang taong may pagpalya ng puso ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng depresyon. At ang isang tao na may depresyon ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng pagpalya ng puso. Alinman sa isa sa mga ito ay nagpapataas sa panganib na mabuo ang alinman sa mga ito. Ang kaugnayan ng dalawang ito ay hindi lubos na nauunawaan. Ang pakikipaglaban sa pagpalya ng puso ay nangangailangan ng maraming pagsisikap. Puwede itong makaapekto sa iyong nararamdaman. Puwede ding magpabago ng iyong damdamin (mood) ang ilang gamot. Marami sa mga ugali na kaakibat ng depresyon tulad ng paninigarilyo at pag-abuso sa alak, ay mga salik na panganib para sa lahat ng sakit sa puso. Para sa mga taong may pagpalya ng puso, ang depresyon ay nagpapataas din sa panganib na atakihin sa puso o magkaroon ng pagbara ng dugo.

Mga Sintomas

Marami sa sintomas ng pagpalya ng puso ay parang mga sintomas ng depresyon. Puwedeng mahirap masabi kung anong kundisyon ang nakapagdudulot nito. Normal lang na makaramdam ng lungkot o iritable pagkatapos ma-diagnose na may pagpalya ng puso, pero kung ang ganitong pakiramdam ay nagtatagal nang mahigit 2 linggo, malamang na depresyon ang dahilan. Puwedeng kasama sa mga palatandaan ng depresyon ang:

  • Kawalan ng interes sa mga gawain

  • Pakiramdam na nanlulumo o iritable

  • Pagbabago sa mga nakasanayan sa pagtulog

  • Pagbabago sa gana sa pagkain

  • Pagkadama ng konsensya o desperado.

  • Nawawalan ng lakas

  • Nahihirapang magtuon ng pansin

  • Nakakapag-isip na magpakamatay

Tumawag sa 911

Kung alinman sa mga sintomas na nasa ibaba ay lumalala, tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o sa 911 kaagad. Malamang na ang mga iyon ay palatandaan ng pagpalya ng puso.

  • Tumitinding pangangapos ng hininga

  • Biglang pagtaas ng timbang

  • Dumadalas na pag-ubo, pagbahin, o sabay

  • Pananakit ng dibdib, pagkahilo, o kagkatuliro

  • Mabilis o hindi regular na tibok ng puso

  • Lumalalang labis na pagkahapo at panghihina

  • Lumalalang pamamanas (edema) ng iyong mga binte, bukong-bukong, at paa

Pag-diagnose ng depresyon

Walang pisikal na pagsusuri para sa depresyon. Pero kung ikaw ay may mga sintomas ng depresyon halos araw-araw, araw-araw, nang mahigit nang 2 linggo, kontakin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan. Lalo nang mahalagang gawin ito kapag:

  • May mga sintomas ka ng depresyon na hindi bumubuti

  • Naiisip mong saktan ang sarili mo o magpakamatay

  • Apektado ng kalagayan ng emosyon ang iyong trabaho, kaugnayan sa mga kaibigan at kapamilya, o mga interes

Pagggamot para sa pagpalya ng puso at depresyon

Ang depresyon ay isang patuluyang (chronic) problemang pangkalusugan. Pero ang paggamot sa depresyon ay makakatulong sa iyo na mas bumuti ang pakiramdam at mapabuti ang kalidad ng iyong buhay. Mayroong maraming opsyon sa paggamot na makakapagpahupa ng mga nararamdaman mong sintomas at makakatulong sa iyong panatilihin ang kagustuhang mapabuti ang kalusugan ng iyong puso. Puwedeng mawala ang mga sintomas ng depresyon habang nakokontrol ang pagpalya ng puso. Makikipagtulungan sa iyo ang iyong tagapangalaga ng kalusugan sa paggawa ng planong paggamot na malamang may kasamang:

  • Mga gamot na tutulong para malunasan ang mga sintomas ng depresyon

  • Therapy na pakikipag-usap (psychotherapy)

  • CBT (therapy para baguhin ang takbo ng kaisipan o paggawi)

  • Suporta ng kasama

  • Regular na ehersisyo

  • Programang rehabilitasyon ng puso

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer