Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano ang Pagpalya ng Puso?

Ang puso ay isang kalamnan na nagbobomba ng dugo na mayaman sa oxygen papunta sa lahat ng bahagi ng katawan. Kapag ikaw ay may pagpalya ng puso, hindi makapagbomba nang tama ang puso gaya nang dapat nitong gawin. Maaaring maipon ang dugo at likido sa mga baga, at hindi nakakakuha ng sapat na dugo na mayaman sa oksiheno ang ilang bahagi ng katawan upang normal na gumana.

Kapag ikaw ay may pagpalya ng puso

Dahil sa pagpalya ng puso, walang sapat na dugo na mayaman sa oksiheno ang umaalis sa puso sa bawat tibok nito. Mayroong 2 uri ng pagpalya ng puso. Pareho nitong naaapektuhan kung gaano kahusay na makakapagbomba ng dugo ang mga kaliwang bentrikulo. Maaari kang magkaroon ng isa o parehong uri.

Cross section ng lumaking puso na may pagpalya ng systolic heart.

Cross section ng puso dahil sa pagpalya nito sanhi ng paninigas at pagkapuno ng kalamnan ng puso.

Systolic heart failure.  Ang kalamnan ng puso ay nagiging mahina at lumaki. Hindi ito makapagbomba ng sapat na dugo na mayaman sa oksiheno patungo sa nalalabing bahagi ng katawan kapag umuurong ang mga bentrikulo. Ang pagsukat sa kung gaano kadami ng dugo ang ibinobomba palabas ng iyong puso sa bawat pagtibok ay tinatawag na ejection fraction. Sa systolic heart failure, ang ejection fraction ay mas mababa kaysa normal. Maaari itong maging sanhi na bumalik ang dugo sa mga baga at maging sanhi ng kakapusan sa hininga at kalaunan ay pamamaga ng bukung-bukong (edema). Kilala rin ito bilang heart failure with reduced ejection fraction (HFrEF), heart failure with mildly reduced ejection fraction (HFmrEF), o heart failure with improved ejection fraction (HFimpEF).

Diastolic heart failure. Naninigas ang kalamnan ng puso. Hindi ito nakakapagpahinga nang normal sa pagitan ng mga pagtibok. Pinipigil nito na mapuno ng dugo ang mga bentrikulo na dapat mangyari. Ang ejection fraction ay madalas na nasa normal na saklaw. Maaari pa rin itong humantong sa pagbalik ng dugo sa katawan at maapektuhan ang mga organ tulad ng atay. Tinatawag din itong heart failure with preserved ejection fraction, o HFpEF.

Pagkilala sa mga sintomas ng pagpalya ng puso

Kapag ikaw ay may pagpalya ng puso, kailangan mong bigyan ng masusing pansin ang iyong katawan at kung paano ang nararamdaman mo, bawat araw. Sa gayon, kung mangyari ang problema, maaari kang makakuha ng tulong bago ito maging napakalubha. Kakailanganin mong bantayan ang mga pagbabago sa iyong mga sintomas. Hangga't nananatili ang mga sintomas nang halos pareho mula sa isang araw hanggang sa susunod, hindi nagbabago ang pagpalya ng iyong puso. Ngunit kung magsimulang lumubha ang mga sintomas, panahon na upang kumilos.

Kabilang sa mga senyales at sintomas ng lumulubhang pagpalya ng puso ang:

  • Mabilis na pagbigat ng timbang mula sa pagdami ng likido

  • Kakapusan sa hininga, lalo na kapag nakahiga nang patag

  • Mabilis na tibok ng puso

  • Hindi gumagaling na ubo

  • Pamamaga, lalo na sa mga paa (edema), mga binti, o tiyan

  • Pagkapagod (pagkahapo)

  • Pagduduwal o pagkawala ng gana

Paano nakakaapekto ang pagpalya ng puso sa iyong katawan

Kapag hindi nagbobomba ang puso ng sapat na dugo, ipinapadala ang mga hormone para madagdagan ang dami ng trabaho na ginagawa ng puso. Ginagawa ng ilang hormone na mas lumaki ang puso. Ang iba ay mas pinabibilis ang pagbomba ng puso. Bilang resulta, maaaring mas maraming dugo ang nabobomba ng puso sa simula, ngunit hindi ito makasabay sa mga nagpapatuloy na pangangailangan. Kaya, mas nanghihina pa ang kalamnan ng puso. Sa pagdaan ng panahon, mas kaunting dugo pa ang nabobomba mula sa puso. Humahantong ito sa mga problema sa buong katawan habang nagsisimulang maramdaman ng mga organ ang mga epekto ng pangmatagalang kakulangan ng oksiheno. Kung hindi malunasan, sa paglipas ng panahon maaari itong magdulot ng mga problema sa iyong mga baga, atay, at mga bato. Maaari ding magdulot ng mga pagbabago at pagkasira ng balat ang pangmatagalan (hindi gumagaling) na pamamaga ng binti (edema). Ang mahinang puso mismo ay maaaring maging sanhi kinalaunan ng malalang paghina ng kalusugan at posibleng kamatayan kung hinayaang hindi nalunasan.

Ano ang ejection fraction?

Ang left ventricular ejection fraction (LVEF) ay sukat ng kung gaano kahusay nagbobomba ng dugo ang iyong puso. Sinusukat nito kung gaano karaming dugo sa bentrikulo ng puso ang binobomba palabas (ibinubuga) sa bawat pagtibok ng puso. Sinusukat ito upang makatulong na ma-diagnose ang pagpalya ng puso. Ang malusog na puso ay nagbobomba ng hindi bababa sa kalahati ng dugo mula sa mga bentrikulo sa bawat pagtibok. Ang ibig sabihin nito ang normal na ejection fraction ay humigit-kumulang 50% hanggang 70%. May 4 na pangkat ng HF na nasusukat sa pamamagitan ng LVEF.

  • HFrEF. Ang LVEF ay 40% o mas mababa. (systolic HF)

  • HFmrEF. Ang LVEF ay 41% hanggang 49% na may mas mataas na filling pressure sa kaliwang ventricle. (systolic HF)

  • HFimpEF. Isang dating LVEF na mas mababa sa 40% at a follow-up na dami ng LVEF na mas mataas sa 40%. (systolic HF)

  • HFpEF. Ang LVEF ay 50% o higit pa na may mas mataas na filling pressure sa kaliwang ventricle. (diastolic HF)

Kakalkulahin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang ejection fraction mula sa isang echocardiogram o iba pang pagsusuri. Maaaring makipag-usap sa iyo ang tagapangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa mga opsyon sa paggamot at kung paano pahuhusayin ang iyong EF.

Ang aking ejection fraction

Petsa: ______________________

Ejection fraction: _____________

Ginamit na pagsusuri: __________________

Paano nakaaapekto ang mga pang-araw-araw na problema sa iyong kalusugan

Maraming bagay sa iyong pang-araw-araw na buhay ang nakaaapekto sa iyong kalusugan. Kabilang dito ang transportasyon, mga problema sa pera, pabahay, access sa pagkain, at pag-aalaga ng anak. Kung hindi ka makapunta sa mga medikal na appointment, maaaring hindi ka makatanggap ng pangangalaga na kailangan mo. Kapag kulang ang pera, maaaring mahirap na mabayaran ang mga gamot. At maaaring maging mahirap na bumili ng masustansyang pagkain ang pagtira na malayo sa isang grocery store.

Kung mayroon kang mga alalahanin sa alinman sa mga ito o iba pang larangan, makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring may alam silang mga lokal na mapagkukunan upang tulungan ka. O maaaring mayroon silang tauhan na makatutulong sa iyo.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer