Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagpapaginhawa ng Pananakit ng Likod

Karaniwang problema ang pananakit ng likod. Maaari mong mapuwersa ang mga kalamnan ng likod sa pagbubuhat ng bagay na sobrang mabigat. O kahit na ang paggalaw sa maling paraan. Maaaring maging hindi maginhawa o maging masakit ang pagkapuwersa ng likod. At maaaring tumagal nang maraming linggo o buwan para gumaling. Subukan ang mga payong ito para tulungan ang iyong sarili na mas bumuti ang pakiramdam. Maaari ding makatulong ang mga ito na maiwasan ang mga pagkapuwersa ng likod.

Yelo

Nababawasan ng yelo ang pananakit at pamamaga ng kalamnan. Lalo nang nakakatulong ito habang nasa unang 24 hanggang 48 oras pagkatapos ng pinsala.

  • Ibalot ang isang pakete ng yelo o isang bag ng nagyeyelong gisantes sa isang manipis na tuwalya. Huwag na huwag ilalagay nang direkta ang yelo sa iyong balat.

  • Ilagay ang yelo sa bahaging pinakamasakit sa iyong likod.

  • Huwag lagyan ng yelo nang mahigit sa 20 minuto nang minsanan.

  • Maaari kang gumamit ng yelo nang ilang beses sa isang araw.

Malapitang larawan ng mga kamay na ibinabalot ang pakete ng yelo sa tuwalya.

Mga Gamot

Kabilang sa mga pampaginhawa ng pananakit na nabibili nang walang reseta ang acetaminophen at mga gamot na pantanggal ng pamamaga. Kabilang sa mga ito ang aspirin, naproxen, at ibuprofen. Maaaring makatulong ang mga ito na maibsan ang kawalan ng ginhawa. Nakakabawas din ng pamamaga ang ilan.

  • Sabihin as tagapangalaga ng iyong kalusugan ang tungkol sa anumang gamot na iniinom mo na.

  • Uminom lamang ng mga gamot ayon sa iniutos.

  • Huwag kailanman magbigay ng aspirin sa mga bata o tinedyer nang hindi muna nakikipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak.

Pamipulasyon at masahe

Maaaring makatulong ang pagkakaroon ng manipulasyon ng gulugod ng isang osteopathic na doktor o chiropractor. Maaari ding makatulong ang pagpapamasahe o acupuncture. Maaaring mag-set up ang physical therapy ng isang programa ng ehersisyo na gumagana upang mabawasan ang iyong pananakit. Nakatutulong din ito na maiwasan ang karagdagang pinsala.

Init

Pagkatapos ng unang 48 oras, mare-relaks ng init ang masakit na kalamnan at mapapabuti ang pagdaloy ng dugo.

  • Subukan ang mainit-init na paligo o shower. O gumamit ng pinainit na higaan na naka-set sa mababa. Upang maiwasan ang pagkapaso, lagyan ng tela sa pagitan mo at ng pinainit na higaan.

  • Huwag gumamit ng heating pad nang mahigit sa 15 minuto nang minsanan. Huwag kailanman matutulog sa isang pinainit na higaan. Maaari itong magdulot ng mga paso kung mayroon kang diabetes o iba pang kondisyon na nakaaapekto sa kung gaano kahusay mong nararamdaman ang init.

Online Medical Reviewer: Joseph Campellone MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 3/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer