Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano ang Arthritis?

Ang arthritis ay isang sakit na nagdudulot ng pamamaga sa mga kasukasuan. Ang mga kasukasuan ay mga bahagi kung saan nagtatagpo at gumagalaw ang mga buto. Maaaring makaapekto ang arthritis sa alinmang kasukasuan sa iyong katawan. May mahigit sa 100 uri ng arthritis. Kabilang sa mga ito ang: 

  • Osteoarthritis

  • Rheumatoid arthritis

  • Gout

  • Lupus

Kung banayad ang iyong mga sintomas, maaaring sapat ang mga gamot upang mabawasan ang kirot at pamamaga. Para sa mas malubhang arthritis, maaaring kailangan mo ng operasyon. Maaari nitong mapabuti ang kondisyon ng kasukasuan. O maaari nitong palitan ang bahagi o ang lahat ng kasukasuan.

Ano ang nagdudulot ng arthritis?

Ang cartilage ay isang makinis na substansya na pumuprotekta sa mga dulo ng iyong mga buto at nagsisilbing unan (cushioning). Kapag mayroon kang arthritis, nasisira ang cartilage na ito at hindi na maprotektahan ang iyong mga buto. Maaari itong mangyari mula sa isang sakit na autoimmune. O maaari itong mangyari mula sa pagkaubos at pagkasira, mga impeksiyon, o pinsala. Nagkikiskisan ang mga buto, na nagdudulot ng kirot at pamamaga. Sa paglipas ng panahon, maaaring magkaroon ng maliliit na piraso ng magaspang o durog na buto (bone spurs). Maaaring maging limitado ang lawak ng paggalaw ng kasukasuan.

Harapang kuha ng kasukasuan ng tuhod.
Malusog na kasukasuan ng tuhod.
Harapang kuha ng kasukasuan ng tuhod na ipinakikita ang pamamaga at arthritis.
Kasukasuan ng tuhod na may arthritis.

Mga sintomas

Kabilang sa ilan sa mas karaniwang mga sintomas ng arthritis ang:

  • Pananakit ng kasukasuan at paninigas. Mas lumulubha ang mga sintomas na ito sa mahabang panahon ng pamamahinga. Maaari ding lumubha ang mga ito mula sa paggamit ng kasukasuan nang napakatagal o masyadong mahirap.

  • Pagkawala ng normal na hugis at paggalaw. Maaaring namamaga ang hitsura ng mga kasukasuan at mahirap igalaw.

  • Masakit at namamagang mga kasukasuan. Maaaring mapula ang hitsura ng mga ito at mainit ang pakiramdam.

  • Ingay na nadudurog o pumuputok. Nangyayari ito sa paggalaw ng kasukasuan.

  • Matinding pagkapagod (pagkahapo). Maaari kang makaramdam ng pagkapagod sa lahat ng oras.

Pagbabawas ng mga sintomas

Makakatulong ka na mabawasan ang mga sintomas sa mga paraang ito:

  • Pagbabawas ng timbang

  • Regular na pag-eehersisyo

  • Pagpapalakas ng mga kalamnan sa paligid ng kasukasuan upang mabawasan ang puwersa sa kasukasuan

  • Paggamit ng mainit at malamig na mga pakete sa iyong mga kasukasuan

  • Paggamit ng mga gamot na walang reseta o may reseta

Makipagusap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pinakamahuhusay na mga paggamot para sa iyong kondisyon.

Online Medical Reviewer: Diane Horowitz MD
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer