Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Stroke: Pag-inom ng Gamot

Binigyan ka ng iyong doktor ng medikasyon para mabasan ang panganib ng stroke. Subalit hindi ito makakatulong kung hindi mo ito iinumin nang ayon sa inuutos. Ipinapaliwanag ng talaang ito kung bakit at paano iinumin ang iyong medikasyon

Parmasyotiko ipinapakita sa babae ang bote ng tableta sa counter ng botika.
Tiyakin na magpadagdag ng reseta bago maubos ito.

Paano Makakatulong ang Medikayson sa Iyo

  • Pinapabuti nito ang iyong pakiramdam kaya't makakagawa ka ng mas maraming bagay na nakakaaliw sa iyo.

  • Pinipigil nito ang pamumuo ng iyong dugo, na siyang tumutulong upang maiwasan ang stroke.

Mga Uri ng Medikasyon

Maraming uri ng medikasyon ang makakapigil sa stroke. Ikaw ay maaaring resetahan ng 1 o higit pa ng sumusunod:

  • Anticoagulant (“blood thinning”) medikasyon ay makakapigil ng pamumuo ng dugo. Kung ikaw ay umiinom ng blood thinner, maaaring kailangan mo ng regular na blood test.

  • Antiplatelets, gaya ng aspirin, ay inirereseta sa maraming pasyente ng stroke. Tumutulong ito na maiwasan ang pamumuo ng dugo. Ang aspirin ay mabibili sa botika.

  • Medikasyon sa presyon ng dugo ay tumutulong na bumaba ang mataas na presyon ng dugo. Sa karamihang pagkakataon, maaaring kailangan mong uminom ng ilang uri ng medikasyon.

  • Mga gamot na pampababa ng Kolesterol ay pinipigil ang pamumuo ng plaque sa iyong artery walls.

  • Mga medikasyon sa puso ay makakagamot ng ilang problema sa puso na nagdadagdag ng panganib ng stroke.

  • Medikasyon sa dyabetes ina-adjust ang antas ng blood sugar. Ito ay makakapigil ng problema na humahontong stroke.

Alamin Kung Anong Medikasyon ang Iyong Iinumin

Upang pigilin ang pamumuo ng aking dugo,

Ako ay umiinom ng:__________________________________________

Upang panatilihing mababa ang presyon ng aking dugo upang mas mabili ang pagbomba ng aking puso,

Ako ay umiinom ng:__________________________________________

Mga Tip sa Medikasyon

Ang nasa ibaba ay mga tip sa pag-inom ng medikasyon. Tandaan na ang karamihan sa mga medikasyon ay kailangan inumin araw-araw—kahit pa maayos ang iyong pakiramdam. Itanong sa iyong doktor kung may kailangan kang iwasang pagkain o alak. Banggitin din kung may problema ka sa pagbili ng medikasyon

  • Magkaroon ng kalakaran. Inumin ang medikasyon sa parehong oras bawat araw. Gumamit ng palatandaan upang maalala ito. May ilang tao ang gumagamit ng kahon ng tableta upang iayos ang medikasyong makakatulong para dito. 

  • Inumin ang LAHAT ng iyong medikasyon. May ilang medikasyon na mas matalab kung may ibang kasamang iniinom . Huwag inumin ang isang uri at laktawan ang isa.

  • Magplano ng maaga. Dagdagan ang reseta bago ito maubos. Tiyakin na dala ang medikasyon kung ikaw ay maglalakbay.

  • Huwag baguhin ang iyong dosis o kusang itigil ang pag-inom ng medikasyon. At kung iyong nakaligtaan ang isang tableta, huwang uminom ng 2 sa susunod.

  • Sabihin sa iyong doktor kung may medikasyon na nagsasanhi ng side effects. Maaaring baguhin ng iyong doktor ay iyong dosis o magreseta ng bagong medikasyon.

  • Magdala ng listahan ng iyong medikasyon. Dalhin ang listahan sa mga appointments sa mga tagapangalaga ng kalusugan.

Para sa Pamilya at mga Kaibigan

Malaki ang bahagi ng medikasyon sa pagpigil ng stroke. Ito ay lalong totoo sa mga tao na nakaranas na ng stroke o transient ischemic attack (TIA). Upang magbigay ng suporta:

  • Tiyakin na alam ng iyong mahal sa buhay kung paano tumatalab ang medikasyon at kailan ito iniinom. Madalas na suriin upang matiyak na ito ay naiinom gaya ng inuutos.

  • Alamin kung may pagkain o alak na nakakaapekto sa anumang medikasyon.

  • Tignan kung may effect. Tawagan ang doktor kung may anumang medikasyon na nagsasanhi ng labis na pamamasa, pagdurugo ng ilong, pagkahilo, o pagkalabo ng paningin.

Tawagan ang Iyong Doktor

Tawagan ang iyong doktor agad kung ikaw:

  • Mayroong side effect, gaya ng pagkahilo, pagduduwal, muscle cramps, sakit ng ulo, pag-ubo, pamamaga, o skin rash.

  • Bumibigat ang timbang.

  • Nalaktawan ang dosis ng anuman sa iyong medikasyon sa mahabang panahon.

Online Medical Reviewer: Foster, Sara, RN, MPH
Online Medical Reviewer: Gandelman, Glenn, MD, MPH
Online Medical Reviewer: Image reviewed by StayWell art team.
Date Last Reviewed: 7/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer