Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pananakit ng Ulo Dulot ng Tensyon

Ang mga pananakit ng ulo dulot ng tensyon ay nagsasanhi ng bahagya at panay na pananakit sa magkabilang panig ng ulo at sa leeg at likod ng ulo. Maaari ding makaramdam ng pagod ang mga mata. Maaaring sanhi ng mga pananakit ng ulo dulot ng tensyon ang pagkabanat ng kalamnan at pagtikom ng kamao, kakulangan sa tulog, maling tindig, pagod na mata, stress, depresyon, pagkabalisa, arthritis ng leeg, at iba pang mga dahilan.

Upang makatulong na pigilan ang pananakit ng ulo dulot ng tensyon

Gawin ang mga sumusunod na hakbang:

  • Siguruhin na ang lugar ng iyong trabaho ay maayos na naka-set up upang tulungan kang iwasan ang pagkapagod ng leeg at mga mata.

  • Siguruhin na ang iyong resetang salamin sa mata ay bago at angkop para sa trabahong ginagawa mo.

  • Matuto ng mga paraan para sa pagre-relaks at pagbabawas ng emosyonal na stress. Kabilang dito ang paghinga ng malalim, patuloy na pagre-relaks, yoga, meditasyon, at biofeedback.

  • Panatilihin ang regular na pag-eehersisyo sa ilalim ng paggabay ng isang doktor. Maaari itong makatulong na panatilihing nababanat, matatag at naka-relaks ang iyong leeg at likod.

Upang maibsan ang pananakit

Gawin ang mga sumusunod na hakbang:

  • Gumamit ng mamasa-masang init upang irelaks ang mga kalamnan. Magbabad sa mainit na paligo o balutin ng mainit-init at mamasa-masang tuwalya ang iyong leeg.

  • Kuskusin ang iyong anit nang magaan gamit ang malambot na hairbrush.

  • Magpamasahe. Masahihin ang mga kalamnan mula sa iyong balikat pataas sa likod ng iyong ulo.

  • Gumamit ng pakete ng yelo. Ilapat ito nang direkta sa bahagi kung saan ka nakakaramdam ng pananakit.

  • Magpahinga. Makakatulong ang madalas na pagtulog na maibsan ang pananakit ng ulo.

  • Uminom ng maraming likido. Ang dehydration ay isa pang sanhi ng mga pananakit ng ulo. Huwag uminom ng alak dahil palulubhain nito ang dehydration.

  • Gumamit ng gamot sa pananakit nang katamtaman para sa bahagya hanggang matinding pananakit. 

    Babae na minamasahe ang batok.
    Makakatulong ang pagmasahe sa mga kalamnan ng iyong leeg na mabawasan ang pananakit ng ulo dahil sa tensyon.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer