Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Almoranas

Ang almoranas ay mga daluyan ng dugo na bahagyang namamaga sa panahon ng pagdumi. Ang mga ito ay maaaring sanhi ng mga bagay tulad ng:

  • Pagkabanat habang dumudumi

  • Pagkakaroon ng talamak na pagtitibi o pagtatae

  • Pagiging buntis

  • Katabaan

  • Pagiging mas matanda

Maaaring panatilihing malaki ang mga tisyu na ito ng labis na presyon sa kanal ng puwit. Maaaring mamaga ang mga ito at magdulot ng mga sintomas. Maaari itong mangyari sa parehong loob at labas lamang ng kanal ng puwit.

Maaaring kabilang sa paggamot ang:

  • Mga pagbabago sa pamumuhay at diyeta

  • Mga gamot na nabibili nang walang reseta (over-the-counter, OTC).

  • Medikal na mga pamamaraan

Cross section ng normal na tumbong at puwit.

Mga bahagi ng kanal ng puwit

Ang mga bahagi ng kanal ng puwit ay:

  • Panloob na tisyu ng almoranas. Ito ay nasa itaas na bahagi ng kanal ng puwit.

  • Ang tumbong. Ito ang huling ilang pulgada ng colon. Dito naiimbak ang dumi bago ang mga pagdumi.

  • Anal sphincters. Ito ay mga kalamnan na hugis singsing. Lumalaki at lumiliit ang mga ito upang makontrol ang butas ng puwit.

  • Panlabas na tisyu ng almoranas. Nasa ilalim ito ng balat ng puwit.

  • Ang puwit. Ito ang daanan sa pagitan ng tumbong at sa labas ng katawan.

Normal na tisyu ng almoranas

May ginagampanang mahalagang papel ang mga almoranas sa pagtulong na maalis ang dumi sa iyong katawan. Dumadaan ang pagkain sa maliliit na bituka mula sa sikmura. Pagkatapos ay dumadaan sa colon ang dumi (stool) patungong tumbong. Naiimbak ito sa tumbong hanggang handa na itong mailabas mula sa puwit. Habang dumudumi, namamaga ang mga almoranas nang may dugo. Lumalaki nang bahagya ang mga ito. Nakakatulong ang pamamagang ito sa pagprotekta at pagsapin sa kanal ng puwit habang dumadaan ang dumi mula sa katawan. Sa sandaling dumaan na ang dumi, tumitigil sa pamamaga ang mga tisyu. Bumabalik ang mga ito sa normal.

Mga problemang almoranas

Presyon nang dahil sa pagkabanat o iba pang dahilang maaaring maging sanhi ng pananatiling namamaga ng mga tisyu ng almoranas. Kapag nangyari ito sa mga tisyu ng almoranas sa kanal ng puwit, tinatawag ang mga ito na panloob na almoranas sa loob. Ang mga namamagang tisyu sa palibot ng butas ng puwit ay tinatawag na mga almoranas sa labas. Depende sa lokasyon, maaaring mag-iba ang iyong mga sintomas.

Cross section ng tumbong at puwit na ipinapakita ang mga almoranas.

  • Panloob na almuranas. Madalas nangyayari ang mga ito sa mga kumpol sa palibot ng pinakadingding ng kanal ng puwit. Madalas na hindi masakit ang mga ito. Ngunit maaaring umusli palabas ng puwit (prolapse) dahil sa pagkabanat o presyon ng matigas na dumi. Pagkatapos ng pagdumi, maaaring bumalik ang mga ito sa loob ng katawan (mabawasan). Kadalasang nagdurugo ang mga almoranas sa loob. Maaari ding maglabas ang mga ito ng mucus.

  • Mga almoranas sa labas. Ang mga ito ay nasa butas ng puwit, sa ilalim lamang ng balat. Ang mga tisyu na ito ay bihirang nagdudulot ng mga problema maliban kung bumuo ang mga ito ng namuong dugo (thrombose). Kapag nangyari ito, maaaring lumitaw ang isang matigas at mangasul-ngasul na bukol. Nagdudulot din ng biglaan at matinding pananakit ang almoranas na nagka-trombosis. Sa tamang panahon, maaaring kusang mawala ang pamumuo ng dugo. Kung minsan, nag-iiwan ito ng isang tag sa balat na tisyu na binanat ng pamumuo ng dugo.

Mga sintomas ng almoranas

Maaaring kabilang sa mga sintomas ng almoranas ang:

  • Pananakit o mahapding pakiramdam

  • Pagdurugo habang dumudumi. Ang dugo ay madalas na matingkad na pula. Binabalot nito ang dumi sa dulo ng pagdumi. O tumutulo ito sa inidoro.

  • Umuusling mga tisyu mula sa puwit

  • Pakiramdam ng pagkabara o pagkapuno sa tumbong habang dumudumi

  • Pangangati sa palibot ng puwit

  • Paglabas ng mucus mula sa puwit

  • Tumatagos palabas ang dumi mula sa puwit

Dahil sa almoranas, nagiging mahirap na linisin ang bahagi ng puwit pagkatapos ng pagdumi. Maaari itong magdulot ng nadagdagang iritasyon.

Mga sanhi ng almoranas

Walang iisang sanhi ang almoranas. Ngunit sa karamihang kaso, ang mga ito ay sanhi ng sobrang presyon sa kanal ng puwit. Maaaring ito ay dahil sa:

  • Nagpapatuloy (talamak) na pagtitibi

  • Pagkabanat habang dumudumi

  • Hindi gumagaling na pagtatae

  • Pag-upo nang napakatagal sa palikuran

  • Puspusang pag-eehersisyo o pagbubuhat ng mabigat

  • Pagbubuntis at panganganak

  • Pagtanda

  • Pagiging sobra ang timbang o katabaan

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer