Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-inom ng Gamot para sa Diabetes

Hindi kayang lunasan ng gamot ang diabetes. Pero maaaring maantala o mapigil nito ang mga problema sa kalusugan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo na pamahalaan ang iyong asukal sa dugo. Maaaring mukhang mahirap ang pag-inom ng mga gamot o pagturok araw-araw. Ngunit ang mga ito ay mahahalagang kasangkapan upang maabot ang iyong mga layunin sa asukal sa dugo.

Saan gumagana ang mga gamot

Gumagana ang mga gamot sa diabetes sa iba't ibang bahagi ng katawan. Nakakaapekto ang karamihan sa mga ito kung paano gumagawa ng insulin ang lapay. Pinatataas ng iba kung gaano kasensitibo ang kalamnan at mga sesula ng taba sa insulin. O pinipigilan ng mga ito ang atay mula sa paglalabas ng sobrang glucose. Nagdudulot ang ilan upang matunaw nang mas mabagal ang mga carbohydrate. O mas mabagal na mailabas mula sa bituka papunta sa dugo. Isang uri ng gamot ang pumipigil sa bato na muling sipsipin ang glucose mula sa ihi. Pagkatapos, umaalis ang labis na glucose sa katawan sa pamamagitan ng ihi. Ipinapakita sa pahinang ito ang diagram kung saan gumagana ang bawat klase ng gamot sa katawan.

Balangkas ng pigura ng tao na ipinapakita ang mga lokasyon kung saan gumagana ang mga gamot sa diabetes.

Maging pamilyar sa mga turok

Hindi pa rin maiinom bilang tableta ang insulin. Madalas na itinututok ito sa ilalim ng balat upang maabot ang dugo. Hindi mahirap na turukan ang iyong sarili. Malalaman mo na hindi ito kasing sama gaya ng iyong kinatatakutan. May bago ring mga device para sa pagturok o paglanghap ng insulin. Tumpak ang mga modernong insulin pen. Madali ring gamitin ang mga ito at halos hindi masakit, kahit sa mga batang may diabetes. Humingi sa iyong tagapangalaga ng karagdagang impormasyon.

Sundin ang iyong rutina ng gamot

Mahalagang inumin ang iyong mga gamot sa mga tamang oras. Magbibigay ito sa iyo ng pinakamainam na pagkontrol sa iyong asukal sa dugo. Makatutulong ang pagkakaroon ng rutina ng gamot at diyeta na mapanatiling matatag ang iyong asukal sa dugo. Subaybayan ang mga gamot gamit ang pill organizer. Gumawa ng pang-araw-araw na iskedyul. Hingin sa iyong pamilya na tulungan ka na manatili sa rutina ng gamot at diyeta. Gawin itong prayoridad.

Kung umiinom ka ng iba pang gamot

Makakaapekto sa asukal sa dugo ang lahat ng uri ng gamot. Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa lahat ng gamot na iniinom mo. Kasama rito ang mga gamot na may reseta at nabibili nang walang reseta, mga bitamina, halamang gamot, at suplemento. Palaging sabihin sa pharmacist na mayroon kang diabetes kapag bumibili ng iba pang gamot. Subukang bilhin ang lahat ng iyong gamot mula sa parehong parmasya o chain ng parmasya. Sa ganitong paraan mas malamang na mayroon sila ng kompletong listahan ng iyong mga gamot.

Magsuot ng isang pulseras o kuwintas na alertong medikal. Nakatutulong ito sa isang emergency. Magdala ng listahan ng iyong mga gamot sa lahat ng appointment. Siguraduhin na up to date ang iyong mga rekord ng kalusugan. Dapat mayroon ang mga ito ng iyong kasalukuyang mga gamot at dosis. Maaari mong i-download ang iyong mga rekord.

Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Shaziya Allarakha MD
Date Last Reviewed: 4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer