Pag-unawa sa Virus ng Sipon
Ang mga sipon ang pinakakaraniwang sakit na nakukuha ng mga tao. Karamihan ng adulto ay nagkakaroon ng 2 o 3 sipon kada taon, at karamihan ng bata ay nagkakaroon ng mas higit pa. Maaaring sanhi ang sipon ng mahigit sa 200 uri ng mga virus. Ang pinakakaraniwan sa mga ito ay rhinoviruses (tumutukoy sa ilong ang "rhino").
Ano ang sanhi ng virus ng sipon?
Lahat ng sipon ay nagsisimula sa impeksiyon ng isang virus. Maaari kang maimpeksiyon ng higit sa isang virus ng sipon sa isang pagkakataon. Ang sipon at trangkaso ay mga sakit sa palahingahan, ngunit ang mga ito ay dulot ng iba't ibang virus. Nangyayari ang impeksiyon dahil sa mga virus ng sipon kapag:
-
Nalalanghap mo ang virus mula sa hangin. Maaaring mangyari ito kapag ang isang tao na may sipon ay bumahin o umubo nang malapit sa iyo.
-
Hinihipo mo ang iyong mga mata, ilong, o bibig kapag ang iyong kamay ay may virus ng sipon. Maaaring mangyari ito kung hinipo mo ang isang bagay na may virus ng sipon.
Ano-ano ang mga sintomas ng virus ng sipon?
Maaari kang magtaka kung mayroon kang sipon o trangkaso. Kumpara sa trangkaso, mas unti-unting lumilitaw ang mga sintomas ng sipon. Halos lahat ng sipon ay nagdudulot ng baradong ilong. Kabilang sa ibang sintomas ng karaniwang sipon ang:
Paano ginagamot ang sipon?
Kadalasang tumatagal ang sipon ng 7 hanggang 10 araw. Nakatutok ang paggamot sa pagpawi ng mga sintomas. Maaaring kabilang sa mga paggamot ang:
-
Mga gamot na pantanggal ng bara sa ilong. Mabibili ang maraming uri ng pantanggal ng bara sa ilong nang walang reseta. Maaaring makatulong ang mga ito na mabawasan ang mga sintomas na baradong ilong o tumutulong sipon.
-
Mga pang-spray sa ilong na inirereseta o over-the-counter. Ang mga ito ay maaaring makabawas sa mga sintomas sa ilong, kabilang ang baradong ilong.
-
Mga gamot sa pananakit na nabibili nang over-the-counter (OTC). Maaaring makatulong ang mga ito sa mga sakit ng ulo at sa pamamaga ng lalamunan.
-
Pangangalaga ng sarili. Kabilang dito ang dagdag na pahinga, paggamit ng mga humidifier, at pag-inom ng mas maraming likido. Nakakatulong ang mga ito sa iyo na makaramdam nang mas mabuti habang nagpapagaling ka sa sipon.
Hindi nakakatulong ang antibayotiko dahil mga virus ang sanhi ng sipon. Hindi pinaiikli ng mga ito ang sipon o napapawi ang mga sintomas. Ang pag-inom ng antibayotiko kapag hindi mo kailangan ang mga ito ay maaaring hindi maging mabisa kapag kinailangan mo ang mga ito para sa ibang sakit.
Sundin ang lahat ng tagubilin sa paggamit ng mga gamot, lalo na kapag ibinibigay ang mga ito sa mga bata. Kontakin ang tagapangalaga ng iyong kalusugan kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa ligtas na paggamit ng mga gamot sa sipon. Bago bumili ng mga gamot sa sipon, gumawa ng listahan ng anumang iniresetang gamot na iyong iniinom at itanong sa parmasyutiko kung anong OTC na mga gamot sa sipon ang ligtas mong gamitin.
Maaari bang maiwasan ang sipon?
Maaari kang makatulong na mabawasan ang paglaganap ng mga virus ng sipon. Maaari itong makatulong sa iyo at sa ibang tao na maiwasan ang pagkakaroon ng sipon. Sundin ang mga payo na ito:
-
Madalas na hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis, dumadaloy na tubig. Hugasan ang iyong mga kamay ng hindi bababa sa 20 segundo. Kapag hindi ka makapaghugas gamit ang sabon at tubig, gumamit ng panlinis ng kamay na may hindi bababa sa 60% alkohol.
-
Huwag hawakan ang iyong ilong, mga mata, o bibig, lalo na pagkatapos humawak sa isang bagay na maaaring may sipon.
-
Takpan ang iyong bibig at ilong kapag umuubo o bumabahin. Itapon ang mga tisyu pagkatapos gamitin ang mga ito at hugasan ang iyong mga kamay.
-
Disimpektahin ang mga bagay na madalas mong hinahawakan, tulad ng mga telepono at keyboard.
-
Manatili sa bahay kapag mayroon kang sipon.
-
Isaalang-alang ang pagsusuot ng mask na may 2 o higit pang patong ng nalalabhan at tinatagos ng hangin na tela. Maaaring pababain ng mask ang iyong panganib ng pagkakaroon ng mga virus sa palahingahan na maraming uri. Siguraduhin na lapat na lapat ang mask sa iyong mukha at ganap na natatakpan ang iyong ilong at bibig at gamitin ito kapag malapit sa ibang tao, upang maiwasan ang COVID-19 at iba pang virus sa palahingahan.
 |
Ang madalas na paghuhugas ng mga kamay ay nakakabawas ng panganib na maikalat ang virus ng sipon. |
Ano-ano ang mga posibleng komplikasyon ng virus ng sipon?
Ang mga sipon ay karaniwang kusang nawawala. Pero maaari kang magkaroon ng iba pang uri ng impeksiyon habang mayroon kang sipon. Maaaring kabilang sa mga ito ang:
Kung mayroon kang hika o hindi gumagaling na bronchitis, maaaring makapagpalala ng iyong kondisyon ang sipon.
Kailan ako dapat tumawag sa aking tagapangalaga ng kalusugan?
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan
-
Ubo, pananakit ng dibdib, o kakapusan sa paghinga na lumulubha
-
Mga sintomas na hindi gumagaling o lumulubha pagkatapos ng halos 10 araw
-
Pananakit ng ulo, laging inaantok, o pagkatuliro na mas lumulubha
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.