Mga Hindi Kilalang Sanhi ng Pananakit ng Tiyan (Adulto)
Hindi malinaw ang eksaktong dahilan ng iyong pananakit ng tiyan. Hindi iminumungkahi ng iyong eksamin at mga pagsusuri ang mapanganib na sanhi sa pagkakataong ito. Hindi ito nangangahulugan na isa itong bagay na dapat alalahanin. Gustong malaman ng lahat ang eksaktong dahilan ng problema. Ngunit kung minsan sa sakit ng tiyan, walang halatang sanhi, at maaaring magandang bagay ito. Maaaring gamutin ang iyong mga sintomas, at dapat mas gumanda ang iyong pakiramdam.
Mukhang hindi malubha ang iyong kalagayan ngayon. Ngunit kung minsan ang mga palatandaan ng isang malubhang problema ay maaaring mas magtagal bago magpakita. Dahil dito, mahalagang bantayan mo ang anumang bagong sintomas, problema, o paglala ng iyong kondisyon.
Sa mga susunod na ilang araw, maaaring dumating at mawala ang pananakit ng tiyan. O maaari itong magtuloy-tuloy. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang pagduduwal at pagsusuka. Kung minsan, maaaring mahirap sabihin kung nakakaramdam ka na naduduwal. Maaaring masama lang ang iyong pakiramdam at hindi iugnay ang gayong pakiramdam sa pagduduwal. Maaaring kasama ng pananakit ang pagtitibi, pagtatae, at lagnat.
Maaaring magpatuloy ang pananakit kahit ginagamot na ito nang wasto sa mga sumusunod na araw. Depende sa kung paano nangyayari ang mga bagay-bagay, maaaring maging malinaw ang sanhi kung minsan at maaaring kailanganin mo ang higit pa o ibang paggamot. Maaari ding kailanganin mo ang iba pang pagsusuri, gamot, o test.
Pangangalaga sa tahanan
Maaaring magreseta ng mga gamot para sa pananakit, mga sintomas, o isang impeksiyon ang iyong tagapangalaga ng kalusugan. Sundin ang mga tagubilin ng tagapangalaga ng kalusugan sa pag-inom ng mga gamot na ito.
Pangkalahatang pangangalaga
-
Magpahinga nang marami hangga't maaari hanggang sa iyong susunod na eksamin. Walang nakakapagod na gawain.
-
Subukang huwag gumawa ng anumang bagay na maaaring nagdulot ng iyong mga sintomas. Maaaring ito ay hindi pag-inom ng anumang gamot maliban kung iniutos ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring ito ay hindi pagkain ng ilang pagkain o paggawa ng ilang akibidad.
-
Humanap ng mga posisyon na magpapaginhawa sa iyo. Ang paglalagay sa tiyan ng maliit na unan sa tiyan ay maaaring makatulong na mapaginhawa ang pananakit.
-
Maaaring makatulong ang isang bagay na maligamgam sa iyong tiyan gaya ng isang heating pad, ngunit mag-ingat na huwag mapaso ang iyong sarili.
Diyeta
-
Huwag puwersahin ang iyong sarili na kumain, lalo na kung may pulikat, pagsusuka, o pagtatae ka.
-
Mahalaga ang tubig para hindi ka mawalan ng tubig sa katawan. Maaari ding maganda ang sopas. Maaari ding makatulong ang mga sports drink, lalo na kung hindi sobrang acidic ang mga ito. Huwag uminom ng matatamis na inumin dahil pinalulubha nito ang mga bagay-bagay. Uminom ng mga likido nang kaunti lamang. Huwag laklakin ang mga ito.
-
Mas pinalulubha kung minsan ng caffeine ang pananakit at paninigas ng tiyan.
-
Kung ikaw ay nagsusuka o nagtatae, huwag kumain ng mga produktong gawa sa gatas.
-
Huwag kumain ng marami sa isang pagkakataon. Kumain ng ilang kaunting pagkain sa araw sa halip na 2 o 3 mas maraming pagkain. Maghintay ng ilang minuto sa pagitan ng mga pagkagat.
-
Kumain ng diyeta na kakaunti ang fiber (tinatawag na low-residue diet). Kasama sa mga pinapayagang pagkain ang mga pinong tinapay, puting kanin, mga katas ng prutas at gulay na walang sapal, malalambot na karne. Mas madaling dadaloy sa bituka ang mga pagkaing ito.
-
Huwag magkaroon ng mga pagkaing buong butil, buong prutas at gulay, karne, buto at mani, pinrito o matatabang pagkain, gatas, alkohol at maaanghang na pagkain hanggang mawala ang iyong mga sintomas.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo, kung hindi magsimulang bumuti ang iyong pananakit sa susunod na 24 na oras.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:
Kailan hihingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Lumulubha ang pananakit o lumilipat sa ibabang kanan ng tiyan
-
Bago o lumulubhang pagduduwal o pagtatae
-
Pamamaga ng tiyan
-
Hindi mapadumi sa loob ng mahigit sa 3 araw
-
Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan
-
Dugo sa suka o dumi (matingkad na pula o kulay itim)
-
Paninilaw ng mga mata at balat (sakit sa atay)
-
Panghihina o pagkahilo
-
Pananakit ng dibdib, braso, likod, leeg, o panga
-
Hindi malunok ang mga gamot, likido, o tubig dahil sa sobrang pagsusuka
-
Kung mayroon kang puwerta: hindi inaasahang pagdurugo sa puwerta o lumampas na regla