Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Bali sa Binti

Ilustrasyon na nagpapakita ng banghay at mga buto ng mababang bahagi ng binti, kabilang ang femur at mga buto sa paa, at nagpapakita ng isang bali sa fibula at tibia.

Ikaw ay may bali (fracture) sa binti. Ang isang bali ay nilulunasan sa pamamagitan ng pagsusuot ng palapa, molde o espesyal na bota. Inaabot ng 4 hanggang 6 na linggi para gumaling ang isang bali. Kung ikaw ay may malubhang pinsala, maaaring kailanganin mo ng operasyon upang maisaayos ito.

Pangangalaga sa Tahanan

Sundin ang mga tagubilin na ito kapag nangangalaga sa iyong sarili sa iyong tahanan:

  • Ikaw ay bibigyan ng palapa, molde, bota o iba pang aparato upang maiwasan ang paggalaw ng napinsalang dako. Gumamit ng saklay o walker, maliban na lamang kung sinabihan ka na huwag. Huwag ilagay ang bigat sa napinsalang binti hanggang sa sabihin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan na maaari ng gawin ito. (Maaari kang umarkila ng mga saklay at walker sa anumang parmasya at bilihan ng pang operasyon o ortopedikong kagamitan.)

  • Panatilihing nakataas ang iyong binti upang mabawasan ang pananakit at pamamaga. Kapag natutulog, maglagay ng isang unan sa ilalim ng napinsalang binti. Kapag nakaupo, suportahan ang napinsalang paa upang maging kapantay ito ng iyong baywang. Labis na mahalaga iyo sa unang 2 araw (48 oras).

  • Lagyan ng supot na may yelo ang dako ng pinsala. Gawin ito ng 20 minuto kada 1 hanggang 2 oras sa unang araw para maibsan ang pananakit. Maaari kang gumawa ng isang ice pack sa pamamagitan ng paglalagay ng mga piraso ng yelo sa isang supot at ibalot ito sa manipis na tuwalya. As the ice melts, be careful that the cast/splint/boot doesn’t get wet. Kapag natutunaw na ang yelo, mag-ingat upang hindi mabasa ang molde/palapa/bota. Maaari mong ilagay ang ice pack ng direkta sa palapa o molde. Ipagpatuloy ang paggamit ng ice pack ng 3 hanggang 4 na beses sa isang araw sa susunod na 2 araw. Pagkatapos ay gamitin na lamang ito kapag kinakailangan upang mapaginhawa ang pananakit at pamamaga.

  • Panatilihing tuyo palagi ang cast/splint/bota. Maligo ng hindi binabasa ang molde/palapa/bota. Protektahan ito gamit ang isang malaking supot at lagyan ng goma sa dulong itaas. Kapag ang bota o molde na gawa sa fiberglass ay nabasa, tuyuin ito gamit ang pantuyo ng buhok.

  • Maaari kang gumamit ng acetaminophen o ibuprofen upang makontrol ang pananakit, maliban na lamang kung ibang gamot ang inireseta. Kung ikaw ay matagal ng may sakit sa atay o bato, makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan bago gumamit ng mga gamot na ito. Makipagusap din sa iyong tagapangalaga kung ikaw ay may ulser sa tiyan o pagdurugo sa GI.

  • Huwag maglagay ng mga pamahid o bagay sa ilalim ng iyong molde kung ikaw ay nangangati.

Follow-up na pangangalaga

Bumalik sa tagapangalaga ng iyong kalusugan sa loob ng 1 linggo, o ayon sa ibinilin. Ito ay upang makasiguro na ang iyong buto ay naghihilom ng tama. Kung naglagay ng isnag palapa, ito ay maaaring palitan ng molde sa iyong susunod na pagbisita.

Kung nagsagawa ng X-ray, titignan ito ng isang radiologist. Sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan sa iyong resulta na makakaapekto sa iyong pangangalaga.

Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo

Tawagan kaagad ang tagapangalaga ng iyong kalusugan kapag nangyari ang anuman sa mga sumusunod:

  • Nabiyak ang molde

  • Ang plaster cast o splint ay nabasa at lumambot

  • Nanatiling basa ang fiberglass na molde o palapa ng 24 oras

  • Mabahong amoy mula sa molde o likido mula sa sugat na nagmamantsa sa molde

  • Lumalalang paninikip o pananakit sa loob ng molde o palapal

  • Ang mga daliri sa paa ay namamaga, malamig, kulay asul, manhid o nangingilabot

  • Hindi mo maigalaw ang mga daliri sa iyong paa

  • Ang balat sa paligid ng molde ay namumula

  • Lagnat na101ºF (38.3ºC) o higit pa, o ayon sa bilin sa iyo ng tagapangalaga ng iyong kalusugan

Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer: Thomas N Joseph MD
Date Last Reviewed: 12/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer