Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Karamdaman Sa Paghinga Na Viral Na May Kasamang Paghingang May Pagsipol (Bata)

May upper respiratory illness (URI) ang iyong anak. Nangangahulugan ito na karaniwang sipon. Sanhi ito ng isang virus at nakahahawa sa mga unang ilang araw. Naikakalat ito sa hangin sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahin, o sa pamamagitan ng direktang kontak. Ibig sabihin nito na paghawak sa iyong maysakit na anak, pagkatapos, paghawak sa sarili mong mga mata, ilong, o bibig. Ang madalas na paghuhugas ng iyong mga kamay ay makakabawas sa panganib ng pagkalat ng virus. Nawawala ang karamihang sakit na viral sa loob ng 7 hanggang 14 na araw sa pagpapahinga at mga simpleng pangangalaga sa tahanan. Ngunit kung minsan, maaaring tumagal ang mga ito hanggang 4 na linggo. 

Mga broncial tube

Hindi papatay ng virus ang mga antibayotiko at karaniwang hindi inirereseta para sa mga kondisyong dulot ng isang virus. Kung mayroong maraming iritasyon, ang mga daanan ng hangin ay maaaring humilab at magdulot ng paghingang may pagsipol kahit na sa mga batang walang hika. Maaaring ireseta ang gamot, tulad ng isang bronchodilator, upang maiwasan ang paghingang may pagsipol.

Pangangalaga sa tahanan

  • Mga likido. Pinapataas ng lagnat ang pagkawala ng tubig sa katawan. Pinapataas ng lagnat ang pagkawala ng tubig sa katawan. Himukin ang iyong anak na uminom ng maraming likido upang mapaluwag ang mga plema sa baga at mapadali ang paghinga.

    • Para sa mga sanggol na wala pang 12 buwan, ipagpatuloy ang regular na formula o pagpapasuso. Magbigay ng oral rehydration solution sa pagitan ng mga pagpapakain. Mabibili ito sa mga botika at grocery store nang walang reseta. Para sa mga sanggol na wala pang 1 taon, ipagpatuloy ang regular na pagpapakain ng formula o pagpapasuso. Magbigay ng oral rehydration solution sa pagitan ng mga pagpapakain. 

    • Para sa mga batang mahigit 1 taong gulang, bigyan ng maraming likido, tulad ng tubig, juice, gelatin na tubig, soda na walang caffeine, salabat, lemonada, o ice pops.

  • Pagkain. Kung ayaw kumanin ng iyong anak ng matigas na pagkain, OK lang ito sa loob ng ilang araw, hangga't umiinom siya ng maraming likido.

  • Magpahinga. Panatilihing nasa bahay ang iyong anak na may lagnat o maglaro nang tahimik. Himukin ang madalas na pag-idlip. Maaari nang bumalik sa daycare o sa paaralan ang iyong anak kapag wala nang lagnat at nakakakain na siya nang mabuti at mabuti na ang pakiramdam.

  • Pag-tulog.  Bigyan ang iyong anak ng maraming oras para matulog.

    • Mga bata na 1 taong gulang at mas matanda: Patulugin ang iyong anak sa bahagyang patayong posisyon. Para makatulong ito na mas madaling makahinga. Kung posible, iangat ang bandang ulo ng kama nang bahagya. O itaas ang ulo ng iyong mas matandang anak at itaas na bahagi ng katawan gamit ang mga dagdag na unan. Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak tungkol sa kung gaano itataas ang ulo ng iyong anak.

    • Mga sanggol na mas bata sa 12 buwan: Huwag kailanman gumamit ng mga unan o patulugin ang iyong sanggol nang nakadapa o nakatagilid. Dapat matulog nang nakatihaya ang mga sanggol na mas bata sa 12 buwan. Huwag gumamit ng mga upuan na pangkotse, stroller, swing, baby carrier, at baby sling para sa pagtulog. Kung makatulog ang iyong sanggol sa isa sa mga ito, ilipat siya sa isang patag at matatag na ibabaw sa lalong madaling panahon na magagawa mo.

  • Pag-ubo. Normal na bahagi ng sakit na ito ang pag-ubo. Maaaring makatulong ang malamig na mist humidifier sa tabi ng kama. Linisin ang humidifier araw-araw upang maiwasan ang amag. Ang mga gamot sa ubo at sipon na nabibili nang walang reseta (OTC) ay hindi napatunayang mas nakakatulong kaysa sa syrup na walang gamot. Maaari ding makagawa ang mga ito ng malulubhang epekto, lalo na sa mga sanggol na wala pang 2 taong gulang. Huwag magbigay ng mga OTC na gamot sa ubo o sipon sa mga batang wala pang 6 na taong gulang malibang partikular na ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na gawin iyon.

    • Ilayo sa usok ng sigarilyo ang iyong anak. Pwedeng palalalain nito ang ubo. Huwag hayaan ang iba na manigarilyo sa inyong tahanan o kotse.

    • Kung umiinom ang iyong anak ng anumang iniresetang gamot, laging makipag-usap sa kanyang tagapangalaga ng kalusugan bago siya bigyan ng anumang gamot na OTC, lalo na sa unang beses.

  • Pagbabara ng ilong. Sipsipin ang ilong ng mga sanggol gamit ang isang bulb syringe. Maaari kang maglagay ng 2 hanggang 3 patak ng tubig-alat (saline) na pamatak sa ilong sa bawat butas ng ilong bago ang pagsipsip. Makakatulong ito na palabnawin at matanggal ang sipon. Mabibili ang mga saline na pamatak sa ilong nang walang reseta. Maaari ka ring gumamit ng 1/4 na kutsarita ng asin na hinalo ng mabuti sa 1 tasa ng tubig.

  • Lagnat. Gamitin ang acetaminophen na pambata para sa lagnat, pagka-irita o kawalang pagkakomportable, malibang may iniresetang ibang gamot. Sa mga sanggol na mahigit 6 na buwan ang edad, maaari kang gumamit ng ibuprofen o acetaminophen na pambata. Kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o kidney o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng gastrointestinal, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito.

    Huwag kailanman magbigay ng aspirin sa sinumang mas bata sa 18 taong gulang na may sakit sanhi ng impeksiyon ng virus o lagnat. Maaari itong magdulot ng malalang pinsala sa atay o sa utak, o maging kamatayan.

  • Paghingang may pagsipol. Kung inireseta ang isang bronchodilator na gamot (nilalanghap na spray, iniinom, o may kasamang nebulizer), ipagamit ito sa iyong anak nang eksakto sa mga oras na ipinayo. Kung mas madalas na kailangan ng iyong anak ang gamot na ito (lalo na mula sa handheld inhaler o aerosol breathing na gamot), ito ay senyales na lumalala ang bronchospasm. Kung nangyayari ito, makipag-ugnayan sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o bumalik kaagad sa pasilidad na ito. Mahalaga rin na gamitin ang tamang pamamaraan kapag gumagamit ng bronchodilator inhaler.

  • Pag-iwas sa pagkalat. Ang paghuhugas ng iyong mga kamay bago at pagkaraang hawakan ang iyong anak na may sakit ang ay makakatulong sa pag-iwas ng bagong impeksyon. Ang mabuting paghuhugas ng kamay ay makakatulong na maiwasan ang pagkalat ng virus sa iyo at sa iba pang bata. Huwag hawakan ang iyong mga mata, ilong, o bibig.

  • Edukasyon. Sa paraang naaangkop sa edad, turuan ang iyong mga anak kung kailan, paano, at bakit maghuhugaw ng kanilang mga kamay. Huwaran ng tamang paghuhugas ng kamay. Hikayatin ang mga adulto sa iyong bahay na maghugas ng mga kamay nang madalas. Tulungang turuan ang lahat sa tahanan na huwag hawakan ang kanilang mga mata, ilong, o bibig.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o gaya ng ipinapayo.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tawagan ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lagnat (tingnan ang Lagnat at mga bata, sa ibaba)

  • Ang iyong anak ay dehydrated, na may isa o higit pa ng mga sintomas na ito:

    • Walang luha kapag imiiyak.

    • Lubog na mga mata o tuyong bibig.

    • Walang basang lampin sa loob ng 8 oras para sa mga sanggol.

    • Kakaunti ang lumalabas na ihi sa mga mas nakatatanda.

  • Pananakit ng tainga, pananakit ng sinus, paninigas o pananakit ng leeg, pananakit ng ulo, paulit-ulit na pagtatae, o pagsusuka

  • Hindi karaniwang pagkamaligalig

  • May lumilitaw na mga bagong pantal

  • Nagkakaroon ng mga bagong sintomas o nag-aalala ka tungkol sa kalagayan ng iyong anak

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kapag nangyari ang alinman sa mga ito:

  • Tuminding paghinga na may pagsipol o hirap sa paghinga

  • Hindi pangkaraniwang pagkaantok o pagkatuliro

  • Pakiramdam na nahihilo o nahihimatay

  • Hindi makapagsalita o hindi tumutugon

  • Nagkukulay asul, lila, o abo ang mga labi o balat

  • Mabilis na paghinga:

    • Pagkapanganak hanggang sa 6 na linggo: mahigit sa 60 paghinga kada isang segundo

    • 6 na linggo hanggang 2 taong gulang: mahigit 45 na paghinga kada isang minuto

    • 3 hanggang 6 na taong gulang: mahigit 35 na paghinga kada isang minuto

    • 7 hanggang 10 na taong gulang: mahigit 30 na paghinga kada isang minuto

    • Lampas sa 10 taong gulang: mahigit 25 paghinga kada isang minuto

Lagnat at mga bata

Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:

  • Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.

  • Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.

  • Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.

Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.

Nasa ibaba ang mga patnubay upang alamin kung may lagnat ang iyong maliit na anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero para sa iyong anak. Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga.

Mga sukat ng lagnat para sa sanggol na wala pang 3 buwang gulang:

  • Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.

  • Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas

  • Kilikili: 99°F (37.2°C) o mas mataas

Mga sukat ng lagnat para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):

  • Puwit, noo, o tainga: 102°F (38.9°C) o mas mataas

  • Kilikili: 101°F (38.3°C) o mas mataas

Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan sa mga kasong ito:

  • Temperatura na paulit-ulit na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad

  • Lagnat na 100.4° F (38° C) o mas mataas sa sanggol na mas bata sa 3 buwan

  • Lagnat na tumatagal ng lampas sa 24 na oras sa batang wala pang 2 taong gulang

  • Lagnat na tumatagal ng 3 araw sa batang 2 taong gulang o mas matanda

Online Medical Reviewer: Daphne Pierce-Smith RN MSN
Online Medical Reviewer: Liora C Adler MD
Online Medical Reviewer: Ronald Karlin MD
Date Last Reviewed: 6/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer